NAGSIMULA na ang mga panawagan para panagutin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga extrajudicial killings na naganap sa kanyang administrasyon habang ipinatutupad ang war on drugs.
Dumagsa ang panawagan nitong Lunes matapos aminin mismo ni Duterte sa Senate subcommittee on blue ribbon na inutusan niya ang kapulisan na urutin ang mga suspek na naaresto na manlaban upang magkaroon sila ng dahilan para barilin at patayin ang mga ito.
Ayon kay dating Senador Leila de Lima na dumalo rin sa pagdinig, ang pag-amin ni Duterte na meron ngang death squads ay sapat na para tukuyin na ang dating pangulo ang nasa likod ng mga pagpatay sa mga kriminal at drug suspects.
“Inducing, encouraging and prodding people to kill, directly or indirectly, are not part of the duty of an executive official, whether mayor or president,” ayon kay De Lima.
“You all heard from the horse’s mouth that there are indeed death squads,” dagdag pa nito.
“This man, the former mayor of Davao City and the former president of the Republic of the Philippines, for so long has evaded justice and accountability for the thousands of those killed in the name of the so-called war on drugs,” anya pa.
Sa Kamara, gumulong na rin ang panawagan para kasuhan ang dating pangulo.
“The former President has publicly accepted responsibility for these deaths. If we truly stand by our principles of justice and the rule of law, then Mr. Duterte must be held accountable. He must go to jail for these EJKs,” ayon kay Deputy Majority Leader Jude Acidre.
“The former President’s own words must be met with a serious response. For too long, victims of EJKs have waited for answer,” ayon naman kay Assistant Majority Leader Mikaela Angela Suansing.