Digong nagbanta: Senador ipakukulong

NAGBANTA si Pangulong Duterte na ipakukulong ang mga senador sakaling i-contempt ang mga opisyal ng pamahalaan na hindi dadalo sa pagdinig ng Senado.

“Ngayon kung i-cite kayo in contempt ‘pag nalaman ko, ang ikulong ko ‘yung mga senador,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People.

Nauna nang nagpalabas ng kautusan si Duterte na nagbabawal sa mga miyembro ng Gabinete at iba pang opisyal ng ehekutibo na wag dumalo sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng umano’y maanomalyang kontrata sa Pharmally.

“Hindi naman ninyo ako subordinate. Kaya magtanong kayo, magtanong kayo nang husto kasi ‘pag hindi, titindig ako,” aniya.Enter