MULING ipinagtanggol ni Pangulong Duterte ang operasyon ng e-sabong matapos na muling maungkat ang isyu tungkol sa pagkawala ng mahigit 30 sabungero.
“Baka nagdududa kayo bakit hindi ko hininto. Hindi ko hininto kasi kailangan ng pera sa e-sabong ng gobyerno. I’ll make it public now, it’s P640 million a month. And in a year’s time, it’s billion plus. Saan tayo maghanap ng pera ng ganoon na kadali na siguro?” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People Lunes Martes ng gabi.
Iginiit pa nito na legal ang operasyon ng e-sabong.
“You know, when we allow a gambling…it’s legal so pag-ano eh, tanungin mo ano ang nagawa ng e-sabong diyan kung magpatayan?… how can you stop crime and criminality? It’s a good study of crime and punishment, actually. It has nothing to do…” dagdag pa ni Duterte.