Digong: Halos lahat ng pinangako ko, natupad ko

IPINAGMALAKI ni Pangulong Duterte na natupad niya ang lahat ng kanyang naipangako sa mga Pinoy sa anim na taong panunungkulan sa bansa.

“My term is nearing its end, I can say with a little bit of pride na halos lahat na pinangako ko, natupad ko. Dito na lang sa peace and order na… but you know for as long as there are men in this planet, there will always be misdeeds and wrongdoings committed by human being,”
sabi ni Duterte nang pangunahan ang pagpapasinaya ng mga proyekto sa Zamboanga City Huwebes.

“Be that as it may, I tried my best, and hindi ko naman sabihin na ano pero mukhang nakumpleto ko halos lahat ng pinangako ko sa taong bayan,” dagdag ni Duterte.

Nakatakdang magtapos ang termino ni Duterte sa Hunyo 2022.