BUMANAT na si Pangulong Duterte kay Senator Manny Pacquiao kaugnay ng komento ng huli sa naging posisyon ng presidente sa West Philippine Sea (WPS).
“It’s about foreign policy. I would not want to degrade him but next time, mag-aral ka muna nang husto bago ka pumasok…,” sabi ni Duterte sa isang panayam sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy.
Matatandaang sinabi ni Pacquiao na nakukulangan siya sa ginagawang hakbang ng administrasyon laban sa China hinggil sa isyu sa WPS.
“This guy has a very shallow knowledge of the issue,” dagdag ni Duterte.
“They do not really know foreign policy ewan ko kung sino nagudyok sa kanila to open their mouth about foreign policy. Foreign policy is just being neutral, ako neutral in the sense that I don’t favor one country for the other nor would I allow any of those countries to be in the Philippines to establish itong mga military bases, except itong Amerika ngayon, itong Amerika must come clean, he who comes to equity must come with clean hands,” dagdag ni Duterte.