Digong, Isko magkasama sa inagurasyon ng Binondo-Intramuros bridge

MAGKASAMANG dumalo sina Pangulong Duterte at Manila Mayor Isko Moreno sa pagpapasinaya ng Binondo-Intramuros Bridge ngayong Martes, bagamat hindi natalakay ang politika.

“I am pleased to be with you today as we inaugurate the Binondo-Intramuros Bridge,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati.

Binanggit naman ni Duterte ang pangalan ni Moreno habang iniisa-isa ang mga dumalo sa pagbubukas ng tulay.

Kasabay nito, pinasalamatan din ni Duterte ang China na siyang nagpondo sa pagpapagawa ng tulay.

“I also thank and with gratitude the People’s Republic of China for the confidence and for being a partner in enhancing key infrastructure projects in our country. Ambassador Huang, the Philippines, and China we do not have any quarrels. And we can talk about the Spratly Islands and probably the fishing rights of my countrymen — plain talk, nothing else,” ayon pa kay Duterte.

Binanggit din ni Duterte ang napipintong pagtatapos ng kanyang termino.

“As my administration comes to a close, we remain committed to providing a comfortable life for every Filipino through various opportunities for growth and success,” aniya.