TINANGGIHAN ni outgoing President Duterte na maging drug czar ng kanyang kahalili na President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sinabi ng Malacañang nitong Martes.
“The last offer that I saw was to head the, to become the drug czar. Pero tinanggihan niya na iyon eh,” ayon kay acting Palace spokesperson Martin Andanar.
“Iyon ang lumabas sa pahayagan,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Marcos noong huling bahagi ng Mayo na bukas siya na isama si Duterte, ang ama ng kanyang running mate na Vice President-elect Sara Duterte, sa kanyang Gabinete bilang drug czar.
“We have not talked about it. But I am open to anyone who is able to help in the government so matagal na kaming magkaibigan ni PRRD, noong mayor pa siya long long time ago,” ayon kay Marcos.