NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na suportahan ang administrasyon ni President-elect Bongbong Marcos.
“President-elect Marcos would need the cooperation and help of everybody. We must give it to him. That’s democracy. That is how we operate,” sabi ni Duterte.
Idinagdag ni Duterte na nagsalita na ang taumbayan.
And ‘pag nagsalita na ‘yung taong-bayan kung sino ‘yung mga lider na gusto nila, sunod tayo. Iwasan ninyo ‘yung pulitika at lahat ‘yung mga kaibigan ko nagsuporta sa akin, we rally behind the elected leaders of our country. Ganoon talaga ang pamamaraan sa ating pang-gobyerno,” aniya.