HINAMON ni Pangulong Duterte si Sen. Richard Gordon ng showdown sa harap naman ng patuloy na imbestigasyon ng Senado kaugnay ng umano’y maanomalyang kontrata sa Pharmally.
“Alam mo dito sa gobyerno suplado, takutan. Gordon, susmaryosep ka. Nowhere you come from at alamin naman ninyo kung saan kami galing. Kumakain kami ng atay doon sa amin, sa totoo lang. Tanungin mo ‘yung mga military. Iyong mga ano doon kinakain namin. Iyong sa iyo takutan lang eh. Walang takutan, diretso mo na. Let’s have a showdown, sige. Mahusay naman kayo sa mga threatening, threatening, threatening. Let us have a confrontation para tapos na ‘yung hangin mo,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People.
Muling iginiit ni Duterte na maghain na lamang ang Senado ng kaso kung may ebidensiya ito.
Binatikos din ni Duterte ang banta ng Senado na tatapyasan ang budget ng mga ahensiyang hindi dumadalo sa mga pagdinig.
“You threaten the budget of different agencies of the Executive because the officials refuse to attend to your hearings,” ayon pa kay Duterte.