Digong dumating na sa bansa; NAIA naging ‘matensyon’

BALIK Pinas na si dating Pangulong Duterte matapos pangunahan ang rally ng PDP Laban senatorial bets sa Hong Kong.

Dumating si Duterte pasado alas-10 ng umaga Martes sa Ninoy Aquino International Airport.

Naging matensyon naman ang paligid ng NAIA dahil sa dami ng pulis na nakaabang sa pagbabalik ni Duterte.

Mainit ang mga balita nitong mga nakaraang araw matapos mapabalita na naglabas na diumano ng arrest warrant ang International Criminal Court laban kay Duterte bagamat sinasabi ng PNP na wala pa silang beripikadong impormasyon hinggil dito.