HINDI pa pinal ang pag-ayaw ni Pangulong Duterte sa pagtakbo bilang bise presidente sa 2023 elections, ayon sa Malacañang.
“The President’s words are clear. I don’t need to construe,” anipresidential spokesperson Harry Roque.
“He is saying ayaw niya, pero hindi pa niya sinasabing hindi,” dagdag ni Roque.
Ganito rin halos ang sinabi ni Melvin Matibag, secretary-general ng PDP-Laban, ang partido ng Pangulo.
“Ang linaw naman ng sinabi niya, I will resist. Hindi naman niya sinabi na I will reject,” sabi niya.
Noong Martes ay tuwirang sinabi ni Duterte sa pag-uusap nila ni Pastor Apollo Quiboloy sa Davao City na wala siyang plano na tumakbo sa pagkabise presidente sa eleksyon sa susunod na taon. –WC