Digong ‘di ilalaglag si Duque

TINIYAK ni Pangulong Duterte na mananatili ang suporta niya kay Health Secretary Francisco Duque III kahit pa mag-isa na lang siyang nagtatanggol dito.


“I’m sorry but I said maski mag-isa na lang ako, I will stand for Duque even if it will bring me down,” ani Duterte sa kanyang Talk to the People address.


Kaliwa’t kanan ang natatanggap na batikos ni Duque kaugnay sa umano’y maling paggamit ng P67.3 bilyong pondo para sa Covid-19.


“Sabi na pagkatapos na ito hindi na popular si Duterte, ‘yung mga rating-rating niya mag-down. Look, I am — tapos na ako. The rating does not really matter to me. Ang gusto ko lang magtrabaho nang matino and whatever judgment you have for me, I don’t give a s***,” sabi niya.


“Basta ako, I will stand by my values. Hindi ako mag-ano ng tao na walang… You know, for all times na ‘yan si Duque na sabihin, ‘Ah dating ano ‘yan oh, pinaalis sa gobyerno dahil ng anomalya.” You can just imagine. Kung gawain ko sa inyo ‘yan or if it is done to you by — by, in other times and other places, maligayahan kayo?” hirit pa ng Pangulo. –WC