IGINIIT ni Pangulong Duterte na wala siyang balak na humarap sa pagdinig ng International Criminal Court (ICC) kung saan tinawag pa niya itong ‘bullshit’.
“I will not. Why would I defend or face an accusation before white people? You must be crazy. Iyong mga colonizers ito noon they have not atoned for their sins against the — iyong the countries that they invaded, including the Philippines,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People Lunes ng gabi.
Nauna nang hiniling ni retired ICC top prosecutor Fatou Bensouda na pormal nang magsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng gera ng gobyerno kontra droga.
“Tapos ito ngayon sila, they are trying to set up a court outside our country and making us liable to face them. Eh walang alam ng batas. Ano… Our laws are different. Our criminal procedure is very different. How will you suppose to get justice there?,” ayon pa kay Duterte.
Nahaharap si Duterte at ilan sa kanyang mga tauhan sa crime against humanity dahil sa mga pagpatay at torture habang isinagawa ang kampanya laban sa droga.