Digong binuhay isyu ng hindi pagbabayad ng tax ni Pacman

INUNGKAT ni Pangulong Duterte ang hindi umano pagbabayad ng buwis ni Sen. Manny Pacquiao at asawa nitong si Jinkee noong 2008 at 2009 na umabot ng P2.2 bilyon.


“I remember he (Pacquiao) has a tax evasion case and he has been assessed to pay. P2.2 billion ang utang niya na hindi niya binayaran ang gobyerno, for all his fights,” ani Duterte sa kanyang Talk to the People address.


“Sabi kasi niya kasi korup. Kung korup kami, ikaw, when you cheat government, you are a corrupt official, lalo na,” dagdag niya.


Inamin naman ng Pangulo na hindi niya alam ang status ng kaso.


Matatandaan na naghain ng kaso ang Bureau of Internal Revenue laban sa mag-asawang Pacquiao dahil sa umano’y tax deficiencies noong 2008 at 2009.


Iginiit naman ni Pacquiao na bayad na ang kanyang income tax sa US.


Ipinunto ng kanyang nga abogado na protektado kontra sa double taxatio ang batas ng Pilipinas