NAKATAKDANG magtungo si Pangulong Duterte sa China ngayong Abril para sa kanilang nakatakdang pagpupulong ni Chinese President Xi Jinping.
“China is good. I’m scheduled to…Gusto akong kausapin ni Xi Jinping. Magkaibigan man rin kami. So ako I…hindi ako sa nagkakampi-kampi ako. I just don’t want war to enter my country,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa LapuLapu City, Cebu nitong Huwebes.
Idinagdag ni Duterte na posibleng mapag-usapan ang ginagawang panggigiyera ng Russia sa Ukraine.
“Pero nasabi ko lang na the Philippines might really be included in the vortex of giyera dito. So ‘yun lang ang ano ko, that’s the reason why I… I am just explaining what is the reason behind this policy that I…para malaman ninyo,” dagdag ni Duterte.
Nanindigan si Duterte na magiging neutral ang Pilipinas sa isyu bagamat pinapayagan aniya ang pagpasok ng mga tropa ng Amerika sa bansa. “Kita neutral pero I have given the Americans the unrestricted use of — because it will be a stupid thing if we’ll just also… Nandiyan na kasi. Nandiyan na kasi sila, hindi naman natin mapaalis and it’s not good at this time na paalisin ang mga Amerikano. So I allowed them the unrestricted use mga airport, mga base militar sa base kasi nandito na sila eh,” aniya.