MULING binanatan ni Pangulong Duterte si Sen. Richardo Gordon sa asal nito sa isinasagawang pagdinig ng Senado kaugnay ng umano’y maanomalyang kontrata sa Pharmally.
“Ito dapat si Gordon, maglipat siya sa judiciary kasi doon siya magsigaw-sigaw at baka sa awa ng — ang sheriff pa niya ang babaril sa kanya. Eh hindi ‘yang — ‘yang ugali na ‘yan, this is not feudal times. You have to be courteous. If you want to be treated with courtesy, you have to practice it,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People Lunes ng gabi.
Idinagdag ni Duterte na hindi niya kukunsintihin ang ginagawang paninigaw ni Gordon.
“Now, sinong maligayahan niyan kung ganoon ang ginagawa mo? Eh kung ako ang — kung ako sakali na kung ako ang natawag, hindi mo ako masigawan nang ganoon, magsigawan tayo. Kulungin na ninyo ako hanggang kailan gusto ninyo. Pero I will not allow you to shout at me at hindi ako papayag nang ganoon. Magmurahan tayo diyan sa loob,” ayon pa kay Duterte.