PINAGSABIHAN ng isang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang chargé d’affaires ng Ukraine matapos nitong isapubliko ang umano’y pandededma ng Pilipinas kay Ukranian President Volodymyr Zelensky.
Sa isang briefing sa Palasyo nitong Huwebes, iginiit ni DFA Undersecretary Carlos Sorreta na hindi dapat idinadaan ng Ukraine sa media ang mga hinaing nito.
“First of all, we don’t really appreciate when these things are done… Ukraine is a country we have a good relationship with, but when matters like this are vented by representatives of another government through the press, it’s not something that we appreciate. And I think I will limit my comment and if he wants this to happen, he has to…we have to discuss it. These things are arranged, talking points are discussed…there’s a pre-discussion. It’s not good diplomatic practice to do it the way he did. I think I will leave it at that,” mataray na sagot ni Sorreta.
Nauna nang sinabi ng Ukrainian chargé d’affaires na Hunyo 20, 2022 pa lamang ay hiniling na sa DFA na makausap ni Zelensky si Marcos, ngunit hanggang ngayon ay wala pang tugon dito.