NANINDIGAN ang Department Foreign Affais (DFA) sa posisyon ng Philippine Coast Guard matapos itanggi ng China na ginamitan ang mga miyembro ng PCG ng military-grade laser sa Ayungin Shoal.
Sinabi ni DFA Spokesperson Teresita Daza na batay sa hiwalay na imbestigasyon ng DFA, lumabas na totoo ang mga naunang pahayag ng PCG sa kabila kayat nauwi ito sa paghahain ng note verbale laban sa China.
“Kaya nga ho paulit-ulit po kaming nagsasabi na we have no reason to doubt the PCG, and the PCG has actually submitted its incident report. Alam ninyo po, ang DFA kapag nagtatanggap po ng report, hindi naman ho biglang mag-a-act ‘no. So we receive a report, the report has to be verified. And there are actually other additional reports that come from the National Task Force of West Philippine Sea. And base on that – there is an assessment, verification and assessment – and base on that a necessary diplomatic action is to be taken,” sabi ni Daza.
Idinagdag pa ni Daza na maliwanag na maliwanag na banta sa kalayaan ng bansa ang ginawa ng China.
“Iyong shadowing po, harassment, illegal radio challenges, dangerous maneuvers, ang pagtutok ng military grade laser light ay mga serious na hakbang upang hadlangan po ang Pilipinas na maisagawa ang lehitimong aktibidad doon sa ating EZZ (exclusive economic zone), at bumubuo ng isang purong banta sa sovereignty ng bansa natin. Ang mga naturang aksiyon ho na ito ay hindi naaayon sa freedom of navigation accorded to states especially ho ang coastal state katulad ng Pilipinas,” dagdag pa ni Daza.