NILIWANAG ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang pinal na desisyon si Pangulong Duterte kaugnay ng kanyang naunang pahayag na dapat armasan ang mga sibilyang grupo.
“He is open to the idea pero wala pa naman pong finality,” pahayag ni Roque sakabila ng kabi-kabilang negatibong reaksyon dito.
Gayunman, kinatigas ni Roque ang nauna ring opinyon dito ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na payag na armasan ang mga volunteer groups bilang proteksyon sa kanilang mga sarili.
“At siguro the best view expressed so far is the view of PNP Chief (Guillermo) Eleazar which I share that kailangan intindihin naman natin na kapag ang mga volunteer groups ay mayroong banta sa buhay nila eh mayroon din silang karapatan na depensahan ang kanilang mga buhay,” sabi ni Roque.
Iginiit ni Roque na isang reyalidad na habang tumutulong ang mga volunteers ay may banta rin sa kanilang mga buhay.
“Kapag naging polisiya na iyan then I’m sure there will the corresponding training to be given to everyone. Pero for now, it’s speculative,” dagdag ni Roque.