TALIWAS sa kanyang mga kapwa-senador, mas gusto ni Sen. Imee Marcos na palakasin na lang ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kesa lumikha ng Department of Disaster Resilience.
Ani Marcos, kailangan ng malaking pondo ang paglikha ng bagong kagawaran.
“The NDRRMC can be upgraded from its present status as a council to an authority or administration, instead of being converted into a full-scale department requiring a large budget just for the salaries of the typical five undersecretaries and countless assistant secretaries,” paliwanag ng senadora.
Matatandaang pinag-usapan ang panukala ni Marcos sa pulong ni Pangulong Marcos at mga national at local officials sa Abra nitong Huwebes.
Hirit ng senadora, pinatunayan ng nasabing pulong ang kahalagahan na i-upgrade ang NDRMMC.
“The required presence of the President, DSWD Secretary, NDRRMC, AFP, DPWH, and Phivolcs in disaster zones simply to coordinate adequate assistance and repairs underlines the urgency of empowering the NDRRMC,” ani Marcos.
Sa Senado, apat na magkakahiwalay na panukala ukol sa pagbuo ng Department of Disaster Resilience ang inihain nina Sen. Alan Peter Cayetano, Sen. Pia Cayetano, Sen. Bong Go, at Senate President Juan Miguel Zubiri.