Del Rosario nilait, pinagbantaan ni Digong

NILAIT na pinagbantaan pa ni Pangulong Duterte si dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario sa harap pa rin ng isyu hinggil sa West Philippine Sea.

Sa kanyang regular na Talk to the People nitong Lunes ng gabi, sinabi ni Duterte na bubuhusan niya ng kape si Del Rosario sa sandaling magkita sila.

“Try conveying to me the message where I can find you at pupuntahan kita. Hindi ako magdala ng security, ako lang. Ibuhos ko ‘yang kape sa mukha mo. Nasaan ka ba ngayon kasi gusto kitang puntahan? Saan ba bahay mo? Katukin kita. Ako lang mag-isa, huwag kang matakot,” sabi ni Duterte.

Muli ring kinuwestiyon ni Duterte kung totoo nga bang Pilipino ang dating opisyal.

“Tingnan mo ‘yung mukha mo. Hindi ko nga malaman kung Pilipino ka ba o… Are you a Filipino? Nagdududa ako,” aniya.