De Lima susubok muli sa politika, naghain ng COC para partylist rep

NAGHAIN ng kanyang certificate of nomination bilang representante ng partylist group na Mamamayang Liberal si dating Senador Leila de Lima nitong Sabado sa Manila Hotel Tent City.

Si De Lima ang unang nominee ng ML.

Kasama niyang naghain ng kanilang nominasyon sina dating Quezon Rep. Erin Tañada at Ifugao Rep. Teodoro Baguilat bilang ikalawa’t ikatlong nominee.

Ayon sa dating senador nirerepresent ng kanilang gupo ang “marginalized that were left behind by the system that ignored them.”

Nitong Hunyo ay tuluyang pinalaya si de Lima ng korte matapos madismis ang lahat ng tatlong drug charges na isinampa laban sa kanya ng nakaraang administrasyon.

Pitong taon nakulong si De Lima.