De Lima nakalabas na ng ospital

NAKALABAS na ng ospital si Senador Leila de Lima matapos sumailalim sa isang major surgery at ngayon ay nagpapagaling na.

“Discharged from the hospital yesterday. Still recovering from a major surgery. Still experiencing some pains but I feel generally fine,” sabi ni De Lima.

Nagpasalamat din siya sa mga nagdasal para sa kanya.

Sumailalim ang senador sa vaginal hysterectomy na may anterior at posterior colporrhaphy sa Manila Doctors Hospital noong nakaraang linggo.

Nauna na siyang nadiagnose Ito na may Stage 3 pelvic organ prolapse sa kanyang medical check-up noong Abril.

Si De Lima ay nakakulong mula noong Pebrero 2017 dahil sa Ilang kasong may kinalaman sa droga na isinampa laban sa kanya. 

Isa sa kanyang tatlong kaso ay na-dismiss habang dalawa ay sumasailalim pa sa paglilitis.