NANGATWIRAN si dating PNP Chief Camilo Cascolan, na hindi isang doktor, na walang mali sa pagkakatalaga sa kanyang bilang undersecretary ng Department of Health.
Ayon kay Cascolan, hindi kailangang maging doktor para hawakan ang isang mataas na posisyon sa kagawaran na mangangalaga sa pambansang kalusugan.
“I’m not a doctor but one doesn’t need to be a doctor to be assigned in DOH,” ayon kay Cascolan.
“Administration and [management] will always be a part of every department in government and I believe I will be of big help in this area,” giit pa niya kasabay ang pagpapasalamat kay Pangulong Bongbong Marcos.
Paliwanag pa ng dating pulis na “I will inject ideas/strategies and additional initiatives” hinggil sa patuloy na paglaban ng bansa sa pandemya dala ng coronavirus disease.
Nagtapos si Cascolan sa Philippine Military Academy noong 1986. Siya ay naging pinuno ng pambansang pulisya mula Setyembre hanggang Nobyembre 2020.