INIHAYAG ni Press Secretary Trixie Angeles na nagbitiw na si Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian sa pwesto na naunang tinukoy na pumirma para kay Pangulong Bongbong Marcos sa resolusyon ng Sugar Regulatory Board.
Kasabay nito, mariing itinanggi ni Angeles na si Executive Secretary Vic Rodriguez ang nasa likod ng planong pag-aangkat ng 300,000 metriko toneladang asukal.
“He had nothing to do with this,” sabi ni Angeles sa kanyang Facebook live.
Pinabulaanan pa ni Angeles na binigyan ni Rodriguez ng otorisasyon si Sebastian na pumirma para kay Marcos para sa pag-angkat ng nasabing 300,000 metriko toneladang asukal.
Nauna nang pumirma si Sebastian para kay Marcos sa inilabas na SRA Board Resolution Number 4.