KABI-kabilang pagbatikos ang inabot ni Senador Cynthia Villar matapos itong tila magpaka-abogado sa kontrobersyal na founder ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) na si Pastor Apollo Quiboloy.
Isa si Villar sa pumirma sa objection letter sa resolusyon na inihain ni Senador Risa Hontiveros na i-cite in contempt si Quiboloy.
Ayon kay Villar pumirma siya rito dahil hindi siya naniniwala sa mga akusasyong ibinabato sa pastor.
“Kaibigan ko si Pastor Quiboloy. Mabait siya sa aming pamilya at nagtataka ako dyan sa case na yan, kaya medyo hindi ako masyadong naniniwala dyan sa case na yan,” pahayag ni Villar.
Iginiit din nito na ni minsan ay hindi siya hiningan ng pera ni Quiboloy na ngayon ay wanted sa FBI dahil sa samu’t saring kaso, kabilang na ang sexual abuse.
“Pero ako, kilala ko siya personally and nakakahiya naman na ako e ipahuhuli ko siya. Diyos ko! You don’t do that to a friend,” giit pa ni Villar.
Bukod kay Villar, pasimuno si Senador Robin Padilla sa pagpirma sa nasabing objection letter. Ang dalawang iba pa ay sina Senador Imee Marcos at Bong Go.
Narito ang ilang hanash ng mga netizens na kinabilangan din ng singer na si Janno Gibbs.