INIREKLAMO ni Senador Sherwin Gatchalian ng cyberlibel si dating Energy Secretary Alfonso Cusi bunsod ng pahayag na inilathala nito noong Pebrero hinggil sa kontrobersyal na Malampaya deal.
Isinampa ni Gatchalian ang reklamo sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
Ayon sa senador, mapanirang-puri ang naging pahayag ni Cusi na inilabas noong Pebrero na humahamak sa kanyang reputasyon at integridad at sa isinasagawa noong imbestigasyon ng Senate Energy Committee na may kinalaman sa bentahan ng 45 porsyento participating interest ng Chevron Philippines sa Malampaya gas project.
“Cusi’s statement is clearly defamatory and obviously intended to cause dishonor, discredit, or contempt not merely of my position as a Senator of the Republic but more importantly of my integrity as a public servant,” sinabi ni Gatchalian.
Noong nakaraang Kongreso, pinangunahan ni Gatchalian ang isang panel ng Senado na nagsabing “na-railroad” ang bentahan ng stake ng Chevron sa Malampaya project sa Udenna Corp. na pag-aari ng bilyonaryong si Dennis Uy.
Wala pang pahayag si Cusi tungkol sa demanda ni Gatchalian.