NAKIUSAP si Commission on Elections (Comelec) Spokesman James Jimenez na huwag gamitin ang lockdown para gawing dahilan upang ikansela ang nakatakdang halalan sa darating na 2022.
Gayunman, hindi rin anya dapat pilitin ang mga botante na may COVID na makaboto sa darating na 2022 elections.
“The granular lockdown concept should not be used to prevent people from voting or to force failure of elections,” ayon kay Jimenez sa kanyang tweet Biyernes ng gabi.
“The 2022 national and local elections won’t be postponed or canceled,” dagdag pa ni Jimenez.
“There is no way of framing or asking that question that will make it reasonable or give you a different response.”
Una nang umapela si Jimenez na huwag gamitin ang health emergency na kinakaharap ng bansa para igiit ang hindi pagsasagawa ng eleksyon.