UMABOT sa 184 senatorial bets at 190 partylist groups ang naghain ng certificate of candidacy at certificate of acceptance of nomination para sa 2025 midterm elections.
Pormal na nagsara kahapon, Martes, Okt. 8, 2024, ang filing ng COC/CON-CAN.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), 374 aspirants ang naghain ng kanilang COC-CON-CAN sa naganap na isang linggong filing sa Manila Hotel Tent City.
Sa huling araw ng filing, dumagsa ang 57 senatorial bets at 53 partylist groups para ihain ang kani-kanilang kandidatura.
Isa sa mga huling nag-file ay ang TV host na si Willie Revillame.
Bukod kay Revillame, naghain din ng kanyang kandidatura si Sagip party-list Rep. Dante Marcoleta, former Commission on Audit commissioner Heidi Mendoza, dating Senador Kiko Pangilinan, at Executive Secretary ni Pangulong Bongbong Marcos na si Vic Rodriguez.