PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatunog ng closing bell ng New York Stock Exchange kaninang alas-2:45 ng hapon sa New York (alas-2:45 ng madaling araw sa Pilipinas).
Sa kanyang talumpati, hinimok ni Marcos ang mga mamumuhunan na magnegosyo sa Pilipinas.
“For investors, doing business in the Philippines is an opportunity to reap the benefits of a vibrant economy,” sabi ni Marcos.
Idinagdag ni Marcos na nagpasa ang pamahalaan ng mga batas para higit na mahikayat ang mas maraming mamumuhunan.
“We are proud to share that we recently enacted policies to further liberalize our economy and welcome more foreign investment to our shores,” dagdag ni Marcos.