HINDI na haharangin ng China ang resupply mission para sa tropa ng Pinoy na nasa Ayungin Shoal, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana nitong Linggo.
“The Chinese will not interfere per my conversation with the Chinese Ambassador,” ayon kay Lorenzana sa pahayag nito na ang tinutukoy ay ang pakikipag-usap nito kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Ayon kay Lorenzana, may ugnayan sila ni Xilian simula noong Nobyembre 16 nang maganap ang panghaharass ng Chinese Coast Guard nang harangin at i-water cannon ang mga bangka ng Pinoy na patungo sa Ayungin Shoal para mag-supply ng pagkain sa mga sundalo na nasa lugar.
“We have been talking every day since the evening of the 16th while the incident was happening until yesterday (20 November). We will see if they are true to their words as our Navy will proceed with the resupply this week,” dagdag pa ni Lorenzana kasabay ang paggigiit na ang nasabing teritoryo ay pag-aari ng Pilipinas.