INAPRUBAHAN ng House Committee on Constitutional Amendments ang resolusyon na nagsusulong ng constitutional convention (con-con) na siyang magbibigay daan para amyendahan ang 1987 na Saligang Batas.
Umabot sa16 miyembro panel ang bumoto pabor sa resolusyon, tatlo ang bumoto ng no at isa ang nag-abstain.
Sa kanyang botong ‘no’ sinabi ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas hindi kayang gamutin ng pag-amyenda sa Saligang Batas ang pagtaas ng presyo, mababang sahod, kagutuman, kawalan ng trabaho at kawalan ng bahay.
“Opening the Constitution to political amendments under the Marcos Jr. administration amounts to opening a Pandora’s box, especially with the Marcos family’s penchant to stay in power. Once the process for amending the Constitution is commenced, nothing will prevent the delegates to the Constitutional Convention from proposing new amendments not contained in the bills and resolutions filed at the committee,” dagdag ni Brosas.
Bukod kay Brosas bumoto rin ng ‘no’ sina Teachers party-list Rep. France Castro at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel.