BINAWASAN ng 8 porsyento ang proposed budget para sa travel ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos para sa susunod na taon.
Base sa budget proposal na isinumite ng Department of Budget and Management sa Kamara, may P1.054 bilyon ang nais nilang ibigay na travel fund ng Pangulo para sa susunod na taon, 8 porsyentong mababa kaysa sa budget ngayong taon na P1.148 bilyon.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, binabaan ang budget dahil sa binawasan din ng Office of the President ang plano nitong mga local at foreign travel sa susunod na taon.
Gayunman, sinabi ni Pangandaman, na hindi maaapektuhan ang pangliligaw ng pamahalaan para makaengganyo ng mga foreign investors kahit mabawasan ang byahe ng pangulo.
“We still continue to go out and parang kumbaga we market the Philippines as an investment destination – tuluy-tuloy po iyan,” paliwanag ng opisyal.