KINUMPIRMA ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na tumakbo sa pagka-pangulo sa darating na eleksyon.
Ayon sa talunang 2016 vice presidential bet, kung ang pagbabatayan anya ay ang mga survey, mas malakas umano ang laban niya kung siya ay lalahok sa presidential race kaysa sa tumakbo sa pangalawang pangulo.
“I feel that at least it’s a possibility. It’s certainly part of the plan. The presidency is not taken off the table by any means,” pahayag ni Marcos sa isinagawang forum ng Anvil Business Club.
“In fact, if you look at the surveys, I do better in the presidential survey than the vice presidential survey. So that’s a common sentiment — that many of our supporters want me to run for the presidency,” pahayag pa ng dating senador.
Una nang inihayag ng kanyang kapatid na si Senador Imee Marcos, marami na umanong kumakausap kay Bongbong na mga political parties para sa kanyang pagtakbo sa 2022 elections.
Gayunman, ibinuking ni Pangulong Duterte si Imee na gusto nitong mag-vice presidential running mate ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte kung sakaling tumakbo ito sa pagkapangulo.