GALIT ang mga senador sa hindi pag sipot ni Bureau of Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa isinagawang pagdinig ng Senado hinggil sa kontrobersyal na isyu ng sibuyas.
Kinuwestyon ni Senador Imee Marcos ang tila pangde-dedma ni Ruiz sa imbestigasyon ng Senate committee on agriculture hinggil sa mataas ng presyo ng sibuyas.
Si Assistant Commissioner Vincent Maronilla ang humarap sa pagdinig.
“Daan-daan naman ang empleyado ng Customs. Galangin naman ng konti yung Senado,” ayon sa mambabatas.
“Pumunta naman yung Customs Commissioner. Kung sino-sino pinapadala dito tapos turuan nang turuan kasalanan na ngayon ng Coast Guard at na-convert na yung smuggling to piracy in the high seas,” dagdag ni Marcos.