INIMBITAHAN ni US President Joe Biden si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bumisita sa Washington, ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez ngayong Linggo.
Pero, ani Romualdez, wala pang nakatakdang schedule ang pagkikita ng dalawang pinuno.
“No schedule. Invitation as soon as schedule mutually agreed upon ‘by their teams’,” ayon sa ambassador.
Kinumpirma ni Romualdez na isang liham ng imbitasyon ang ibinigay kay Marcos ni Second Gentleman Douglas Emhoff.
Pinangunahan ni Emhoff ang presidential delegation na ipinadala ni Biden sa inagurasyon ni Marcos na noong Hunyo 30 sa National Museum of Fine Arts sa Maynila.