BBM sa publiko: Gayahin si Bonifacio

HINIKAYAT ni Pangulong Bongbong Marcos ang publiko na gawing modelo ng pagiging mapagmahal sa bayan ang buhay ng bayaning si Andres Bonifacio.

Ito ang naging laman ng mensahe ni Marcos sa pagdiriwang ng ika-159 birth anniversary ni Bonifacio na ginawa sa Bonifacio Monumento sa Caloocan City Miyerkules ng umaga.

“Ang kaniyang (Bonifacio) pangalan ay mananatiling naka-ukit sa ating kasaysayan kailanman, hindi lamang dahil sa kaniyang pamumuno sa rebolusyon kundi sa kaniyang ‘di matatawarang tapang at pagmamahal sa bayan,” ayon sa pangulo.

“Kaya naman sikapin natin na maging pinakamahusay na uri ng ating mga sarili, na maging Pilipino na ang katapatan at pagmamahal sa bayan ay kaparis ng ating mga bayani tulad ni Gat Andres.”

Ayon pa sa pangulo, dapat maging huwaran at sumusunod sa batas ang publiko tungo sa maunlad at mas malayang kinabukasan.

“I call on my fellow Filipinos to honor Bonifacio’s life of extraordinary selflessness by becoming dutiful and law-abiding citizens who will contribute towards a brighter and freer future for all Filipinos,” anya pa.

Nanawagan din siya na panatilihin magiging mapagbantay ang bawat isa para maproteksyunan ang bansa mula sa “social ills and other elements that threaten our liberties.”

“Today, we cherish the freedoms we hold with even greater fervor as we commemorate the birth anniversary of Gat Andres Bonifacio. His spirit lives on in the stories we tell and use to build on his legacy, breathing new life into his words with our sense of duty and patriotism.”