PINIRMAHAN ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang ika-65 na kaarawan ang isang executive order na nagbibigay ng isang taong moratorium sa pagbabayad ng buwanang amortization at interes ng mga agrarian reform beneficiary, ayon kay Agrarian Reform Secretary Conrado Estella III.
Sinabi ni Estrella na ang EO ay bilang bahagi ng kanyang pangako sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na magsusulong ng kondonasyon sa mga hindi nababayarang amortization at intest ng mga magsaka.
“We always think about the farmers’ welfare. The one-year moratorium and condonation of farmers’ loan payment will lead to freedom of farmers from debts,” sabi ni Estrella.
Nangako si Estrella na makikipagtulungan sa Kongreso para amyendahan ang section 26 ng Republic Act 6657 o Comprehensive Agrarian Reform Law of 1988.
“The condonation of the existing agrarian reform loan will cover the amount of P58.125 billion benefitting around 654,000 ARBs and involving a total of 1.18 million hectares,” sabi ni Marcos sa kanyang SONA.