Bato dela Rosa nagtatago na?

HINDI na makontak si Senador Bato dela Rosa matapos ang ginawang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa mga ulat, ilang beses nang kinokontak ng media si Dela Rosa para hingan ng pahayag o reaksyon hinggil sa pagkaka-aresto ni Duterte.

Maging ang kanyang tanggapan sa Senado ay hindi rin matukoy kung nasaan ang senador at kung magbibigay ba ito ng pahayag.

Matatandaan na una nang nagpahayag si Dela Rosa na hindi magtatago sakaling maglabas o mag-isyu ng arrest warrant ang International Criminal Court kaugnay sa kanyang naging partisipasyon sa madugong war on drugs na ipinatupad noong panahon ni Duterte.

Si Dela Rosa na dating hepe ng Philippine National Police ang siyang principal implementer ng nasabing kampanya laban sa droga ng nakaraang administrasyon.