Bato dela Rosa hinamon: ‘Wag kang magtago sa saya ni VP Sara

HINAMON ni Antipolo Rep. Romeo Acop si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na magpakalalaki at huwag magtago sa saya ni Vice President Sara Duterte.

Ginawa ni Acop ang panawagan sa senador hinggil sa mga akusasyong ibinabato sa huli na sabit ito sa madugong war on drugs na ipinatupad ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Acop na dati ring opisyal ng Philippine National Police, dapat sagutin ni dela Rosa ang mga naging pahayag ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog sa quad committee laban sa nakaraang administrasyon.

Sa naunang pahayag sinabi ni dela Rosa, sinabi nito na ang mga pahayag ni Mabilog ay bahagi lamang ng demolition job na tumatarget sa bise presidente.

“There’s no demolition job here. Only legitimate questions that need clear answers,” ayon kay Acop, na vice chair din ng komite.

“Sen. Dela Rosa should be man enough to face the facts and take responsibility, instead of hiding behind VP Sara’s skirt,” dagdag pa ng kongresista.