NANAWAGAN si Pangulong Duterte sa mga lokal na pamahalaan na magpasa ng ordinansa na maglilimita sa mga bata na makapasok sa mall.
Sa kanyang Talk to the People Lunes ng gabi, partikular na tinukoy ni Duterte ang dalawang taong gulang na bata na nagpositibo sa Covid-19 matapos magpunta sa mall.
“I am calling all local government units to consider passing ordinances for age restriction among minors who can be allowed to go to the malls,” sabi ni Duterte.
Idinagdag ni Duterte na wala pang depensa ang mga bata laban sa virus dahil sa hindi pa bakunado.
“Certainly, we cannot allow those below 12 years old or those getting or still unvaccinated to be exposed to the risk of getting COVID-19 in public places. Again, sabi dito, IATF ‘to, Task Force, we cannot allow those below — below 12 years old. So tandaan ho ninyo ‘yan,” ayon pa kay Duterte.