Barko ng China sandamakmak pa rin sa West Philippine Sea

NAGKALAT pa rin ang mga barko ng China sa West Philippine Sea na patuloy na itinataboy ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas.


Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Cirilito Sobejana, kabilang sa mga namataan sa lugar ang mga barko ng Chinese militia, coast guard at navy, at mga mangingisda.


Hindi naman sinabi ni Sobejana kung gaano karami ang barko ng China sa lugar dahil sa pagbabawal umano ng National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS).


Sinabi ng opisyal na madalas marinig ng mga nagpapatrulyang barko ng Philippine Navy mula sa mga barko ng China na pag-aari nila ang teritoryo kaya “get out of here.”


Hindi naman aniya nagpapasindak ang pwersa ng Pilipinas, sabi ng AFP chief.


“We continue our route and we ensure that our patrol plan won’t be disrupted,” dagdag niya. “We even challenge them also, invoking that the West Philippine Sea is within our exclusive economic zone. so it is our territory, sila dapat ang umalis dahil pumasok sila sa teritoryo natin.


Sa kasalukuyan ay mayroong 10 sasakyan ng Philippine Navy na nagpapatrulya sa karagatan na sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas.