TARGET ng Kongreso na maipasa sa Oktubre 1 ang panukalang ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan election na nakatakda sa Disyembre, at ang mobile phone Subscriber Identity Module card registration.
Ito ang nilalaman ng ginawang pag-uusap ng mga lider ng Kamara at Senado nitong Huwebes.
Ayon kay House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe na target ng Kamara at Senado na maipasa ang panukalang batas na nagpapaliban sa eleksyon ng barangay at Sangguniang Kabataan at ang mobile phone subscriber
identity module (SIM) card registration ng Oktubre 1.
“We initially met last night (Thursday) to discuss our common legislative agenda. The House and Senate leaderships are eyeing the postponement of barangay and SK elections and passage of SIM card registration bill before our adjournment this September. This is to ensure that the entire Congress is moving forward in the same direction,” ayon kay House majority leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe.
Nakipagpulong sina Dalipe at Speaker Martin Romualdez kina Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri, at Senate Majority Leader Joel Villanueva sa Makati City kaugnay sa kung ano ang legislative agenda na sabay itutulak ng Senado at Kamara.
“The House will also pass by October 1 the national budget for next year,” dagdag ni Dalipe, kaugnay ng 2023 P5.268 trilyong General Appropriations Bill (GAB).
Sa ilalim ng panukala, ipagpapaliban ang eleksyon ng barangay at SK na nakatakda sa Disyembre 5 ngayong taon at ililipat sa Disyembre 4, 2023.
Samantala naipasa na ng house committee on Information and Communication Technology ang panukalang SIM Card Registration sa harap ng naglipanang text scam na bumibiktima sa mga mobile users sa buong bansa.