LUSOT na sa ikalawang pagbasa sa Mababang Kapulungan ang panukalang pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan election.
Inaprubahan ang House Bill 4673, na siyang nagpapaliban sa nakatakda sanang eleksyon sa barangay at SK sa Disyembre 2022 at gagawin na lamang ito sa Disyembre 2023.
Nauna nang sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia na mangangailangan ng karagdagang P10.858 bilyon sakaling isagawa ang halalan sa susunod na taon.
Aniya, may natitira na lamang na pondo ang poll body para sa paghahanda para sa barangay at SK election.
Nauna nang sinabi ng liderato ng Kamara na target nitong maipasa ang panukala sa huli at ikatlong pagbasa bago mag Oktubre 1.