Balesin vacation ni Robin, regalo ni GMA

TODO-PASALAMAT si Mariel Rodriguez-Padilla kina dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at sa asawa nitong si Mike Arroyo makaraang ilibre ng mga ito ang kanyang pamilya ng bakasyon sa Balesin Island.

Sa Instagram post, isiniwalat ni Mariel na ang bakasyon ng kanyang pamilya sa exclusive resort ay regalo ng mag-asawang Arroyo kay Robin sa panalo nito sa senatorial election.

“We had an unforgettable vacation with the Arroyos. Sir FG and Madame PGMA’s treat for Robin because he won,” ani Mariel.

“Baliktad because kami ang nagpapasalamat sa kanila. Big big help in Luzon, Visayas and Mindanao,” dagdag ni Mariel na ang tinutukoy ay ang pagtulong ng mag-asawang Arroyo sa kampanya.

“They did all that with nothing in return, they just believe and want to help Robin out,” chika pa ni Mariel.

“Super nilang bait, super down to earth ng buong pamilya. Akala mo nakaka-intimidate pero lahat sila as in lahat sila super bait! Most important is the wisdom they shared and continue to share with us. We are so grateful” ayon pa sa actress-TV host.