ITINAKDA ng Commission on Elections (Comelec) ang voter’s registration mula Disyembre 9, 2022 hanggang Enero 31, 2023.
Sinabi ni Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na nakatakda ring ipatupad ang full pilot testing ng Register Anywhere Project (RAP) sa National Capital Region (NCR).
“The Commission en banc, for now, decided to set the period of voter’s registration from December 9, 2022 until January 31, 2023 to pave the way for the full pilot testing and thereafter conduct a comprehensive post activity-assessment of the initial implementation of the Register Anywhere Project (RAP) in the National Capital Region (NCR),” sabi ni Laudiangco.
Idinagdag ni Laudiangco na layunin din ng voter’s registration na malinis ang listahan ng mga botante.
“The initial period for registration likewise would afford the Commission, through the concerted efforts of its Election and Barangay Affairs Department (EBAD), Information Technology Department (ITD) and the Field Officers, to verify and cleanse the Voter’s List, abate double and multiple registrants, especially those of the new applicants,” aniya.
Nakatakdang ganapin sa huling Lunes ng Oktubre 2023 ang barangay at Sangguniang Kabataan election (BSKE) imbes na ngayong Disyembre 5, 2022 matapos isabatas ang pagpapaliban ng BSKE.
Wala pang desisyon ang Korte Suprema kaugany ng petisyon ni Atty. Romulo Macalintal na kumukwestiyon sa legalidad ng pagpapaliban ng halalan.