Badoy inireklamo ng mga doktor sa PRC

SINAMPAHAN ng reklamo ng isang grupo ng mga doktor ang kontrobersiyal na
Communications Undersecretary na si Lorraine Badoy sa Professional Regulation Commission (PRC).

Nauna nang sinampahan ng Alliance of Health Workers si Badoy ng kahalintulad na reklamo noong Abril.

Kabuuang 17 doktor ang naghain ng reklamo laban kay Badoy dahil sa ginagawang red-tagging nito na anila ay unethical.

Isinusulong ng grupo ang suspensyon ng lisensiya ni Badoy bilang isang doktor.

Ayon sa mga doktor ang “her conduct not just as a member of the government but as a member of the medical [profession] is unbecoming of the profession and is censurable under the law.”