ALAM ba ninyo na mas maraming kababaihan at mga batang babae ang mas mataas ang risk na mapatay sa mismong loob ng kanilang tahanan?
Ayon sa report ng United Nations na inilabas bago pa ang paggunita ng International Day for the Elimination of Violence Against Women, mahigit limang babae o batang babae ang napapatay kada oras ng isa sa mga kasama nila sa pamilya noong 2021.
Sinasabi rin sa report na 56 porsyento ng 81,000 na nasawi ay biktima ng kanilang mga “intimate partners” o kapamilya, kaya itinuturing na mismong tahanan ay hindi na rin ligtas para sa mga kababaihan.
Ayon sa Executive Director ng UN Office on Drugs and Crimes na si Ghada Waly, hindi dapat matakot ang mga babae para sa kanilang buhay dahil sa kanilang kasarian.
“To stop all forms of gender-related killings of women and girls, we need to count every victim, everywhere, and improve understanding of the risks and drivers of femicide so we can design better and more effective prevention and criminal justice responses,” ayon sa opisyal.
Ang Asia ang nakapagtala ng may pinakamataas na bilang ng gender-related killings na 17,800 noong 2021.
Ngunit mas malaki ang bilang ng mga babaeng nalalagay sa panganib na mapatay ng kanilang intimate partners o family members sa Africa.