ITINALAGA ni Pangulong Bongbong Marcos si Arnell Ignacio bilang administrador ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator.
Ito ang kinumpirma ngayong MIyerkules ni OWWA official Hans Leo J. Cacdac sa panayam nito sa ABS-CBN.
Hindi na bago sa actor-comedian na si Ignacio ang tanggapan, dahil nagsilbi na rin siyang deputy administrator noong panahon ni dating Pangulong Duterte.
Bukod sa OWWA position, na-appoint din siya ni Duterte bilang AVP for community relation and services department sa Philippine Amusement and Gaming Corporation.