UMAPELA si Pangulong Bongbong Marcos sa Court of Appeals (CA) na ikonsidera ang Temporary Restraining Order (TRO) na inisyu nito na nagsususpinde sa implementasyon ng South Premier Power Corp. (SPPC) Power Supply Agreement (PSA) sa Manila Electric Co. (Meralco).
“We hope that the CA will reconsider. And include in their deliberations the extremely deleterious effect this will have on power prices for ordinary Filipinos, ” sabi ni Marcos.
Nauna nang naglabas ang 14th Division ng CA pabot sa SPPC, isang subsidiary ng San Miguel.
Naghain ang SPPC ng petisyon sa CA para aprubahan pagtataas sa singil sa presyo mula Hunyo 2022.
Nauna nang ibinasura ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang petisyon sa pagsasabing hindi dapat magbago ang presyo na napagkasunduan sa PSA at ang mga binanggit na mga dahilan ay hindi kasama sa mga napagkasunduan ng SPPC at Meralco para maging dahilan ng pagtataas ng presyo.
Nagpahayag ng pagkabahala ang ERC sa ipinalabas na TRO sa pagpapatupad ng PSA sa pagsasabing apektado nito ang 7.5 million rehistradong kostumer ng Meralco sa National Capital Region, Central Luzon at Calabarzon.
Sinabi ng ERC na sakop ang 670MW suplay ng kuryente ng fixed price na itinakda sa PSA ng
Meralco at SPPC.